Manila, Philippines – Itinuturing ng person of interest ng Pasay Police ang pasaherong ng Grab driver na hinoldap at pinatay noong Huwebes, Oktubre 26.
Ayon kay Supt. Gene Licud, deputy for operations ng Pasay City Police, nagpahatid sa pasay pero hindi bumaba sa destinasyon ang pasahero ng biktimang si gerardo maquidato, jr.
Aniya, nakuhanan pa sa CCTV ang pag-alis ng Toyota Innova ni Maquidato Jr. sa Pasay City.
Kalauna’y natagpuang patay si Maquidato sa gilid ng bangketa dahil sa tama ng bala sa ulo habang tinangay naman ang kaniyang sasakyan.
Patuloy rin ang follow-up operation na isinasagawa ng mga pulis kasama ang Highway Patrol Group Task Force limbas para matunton ang sasakyan ni Maquidato.
Facebook Comments