Patay ang isang pasahero ng tricycle habang ilang iba pa ang nasaktan matapos sumalpok sa isang bahagi ng kalsada sa Piddig, Ilocos Norte, pasado 6:00 PM nitong Lunes, Nobyembre 10.
Ayon sa imbestigasyon, minamaneho ng isang 36-anyos na construction worker ang tricycle, sakay ang lima pang pasahero, nang mawalan ng kontrol at bumangga sa under-construction na bahagi ng kalsada.
Ayon sa pulisya, tinangka pa ng grupo na ipagpatuloy ang biyahe upang maibaba ang dalawang sakay.
Maya-maya’y napagdesisyunan nilang tumuloy sa ospital matapos makaramdam ng matinding hirap ang isa sa mga pasahero.
Pagdating doon, agad na nagbigay ng first aid at nagsagawa ng CPR ang mga medical personnel, ngunit idineklara rin ng attending physician ang biktima na dead on arrival.
Patuloy ang imbestigasyon ng Piddig Police upang matukoy ang iba pang detalye ng insidente.









