Pasahero, pinalipad ang eroplanong naantala ang biyahe

3063

Bumiyahe para sana magbakasyon ang isang naka-off duty na piloto–pero mapaglaro nga naman ang pagkakataon.

Magdadalawang oras nang delayed ang easyJet mula sa Manchester, England papuntang Spain na sinasakyan ng piloto–na pasahero lang dapat noong oras na iyon–na si Michael Bradley kasama ang kanyang mag-ina.


Ayon sa netizen at pasahero rin ng flight na nagbahagi ng nangyari, hindi makaalis ang eroplano dahil kulang ng isang piloto.

Dahil hindi maatim na mas tumagal pa ang antala, kaswal na pumunta sa harap si Bradley at inanunsyong siya na lang ang magmamaneho.

“So just before we went through security I thought I wonder if this is worth a phone call, I think it is because I’d like to go on holiday,” ani Bradley sa mga kapwa pasahero.

“I phoned up easyJet and said, ‘Hiya, I’m standing in the terminal doing nothing. I have got my licence with me – deliberately from being punched in the back of the head at 3am – I have got my ID with me and I’d very much like to go on holiday and if you need a favour I’m standing here ready to go.

“They said, ‘We’ll phone you back’. Thirty eight seconds later they phoned me back and said, ‘Please, please pretty please with a big cherry on top, can you fly the aeroplane to Alicante?’

“So if you’re all right for one of your pilots to look like this today, we’ll go to Alicante.”

Sa video, maririnig na sinundan ng masayang tawanan at palakpakan mula sa mga pasahero ang sinabi ni Bradley.

Sa isang pahayag naman ng easyJet, nagpasalamat sila sa pagboluntaryo ni Bradley.

“This is fully in line with regulations as he had his licence and ID with him. Safety is always our highest priority,” dagdag ng kompanya.

Pinaliwanag din ng easyJet na ang delay ay epekto ng pumalyang air traffic control.

“Mr Bradley was well rested, having previously had four days off and was legally permitted to fly the aircraft.

“Clearly, this is exceptional, but shows the commitment and dedication of our crew wanting to go the extra mile,” saad ng kompanya.

Facebook Comments

From Advertisers