Hindi gaya sa ibang terminal ng bus, paunti-unti ang pagdagsa ng pasahero sa Genesis Bus Terminal sa Avenida, Maynila.
Ang mga bus ay biyaheng pa-Norte, partikular sa Mariveles, Balanga, Baguio, San Fernando, Urdaneta, at Tarlac.
Ayon sa security officer na si Modesto Estañol, ang mga pasahero ay dapat may advance reservation o nakapag-book na bago bumiyahe.
Karamihan din sa mga pasahero ay babiyahe papuntang Balanga, Bataan.
Pero ani Estañol, tumatanggap naman sila ng walk-in sa mga biyahe papuntang Baguio.
Hindi pa naman sila fully booked kung kaya’t maaari pang kumuha ng ticket ang mga nais bumiyahe.
Bukas din ang terminal hangga’t may dumadagsang pasahero.
Samantala, nananatiling maayos ang sistema at proseso ng pagpila ng mga pasahero, at kung ikukumpara rin sa mga nakaraang araw ay mas marami pa rin ang mga pasahero ng Genesis Bus Terminal ngayong araw.