Pasahero, sugatan matapos saktan ng taxi driver sa Makati City

Makati City – Sugatan ang isang pasahero matapos siyang saktang ng taxi driver na pangongontrata sa Makati City.

Ayon sa biktimang si Michael Benitez, sumakay siya ng taxi na may plakang UVY 488 sa Magallanes para magpahatid sana sa bus terminal sa Pasay City.

Pero hindi pa man nakalalayo, napansin na aniya niya na hindi pinindot ng driver ang metro ng taxi.


Bagaman ibinalik si Benitez ng taxi driver, hinatak naman aniya ang kaniyang mga dala kaya nasira ang ilan sa mga ito.

Sinita rin aniya siya ng driver nang kinunan niya ng larawan ang taxi.

Naipa-blotter na ng biktima sa pulisya ang nangyari, nagpa-medical at handa siyang magsampa ng reklamo laban sa driver na hindi niya nakuha ang pangalan.

Facebook Comments