Pasahero, sugatan matapos tamaan ng bato ang sinasakyang bus

ALAMINOS, Laguna – Sugatan ang isang lalaki matapos matamaan sa ulo ng batong tumama sa sinasakyan niyang bus.

Ayon sa ulat, nakuhanan ng CCTV footage ng bus ang biktima habang natutulog nang biglang tamaan ng bato sa mukha.

Makikita rin daw na napatagilid ang lalaki sa lakas ng tama ng naturang bato.


Laking gulat naman ng ibang pasahero sa nangyari kaya nagpasya raw ang driver ng bus na itigil pansamantala ang sasakyan.

Kita rin ang butas na tinamo ng bus dahil sa nangyari.

Facebook Comments