Pasaherong binuksan ang plane emergency exit, inakalang banyo

Binuksan ng isang pasahero na sakay sa eroplanong flight 702 UK- Pakistan sa Manchester Airport ang emergency exit door ng eroplano na pag-aakalang pintuan ito ng banyo.

Ayon sa Pakistan International Airport (PIA), ligtas lahat ang 40 na kataong pasehero na sakay.

Ang nasabing eroplano ay papalipad mula Manchester UK papuntang Islamabad, Pakistan nitong Biyernes na naging dahilan ng antala sa loob ng pitong oras.


Tinanggihan naman na magkomento ang Manchester Airport hinggil sa insidenteng ito.

Nitong Mayo, 41 ang namatay sa plane crash sa Moscow Airport na may sumatutal na 78 na katao sa loob ng eroplano. 37 naman ang nakaligtas.

Noong Pebrero 2018, isa sa emergency doors exit din ang nahulog sa Dana Airlines nang lumapag ito sa capital ng Nigeria na Abuja.

Facebook Comments