
Inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police Aviation Security Group (PNP-AVSEGROUP) at Pasay City Police ang isang pasaherong kararating lang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 mula sa Istanbul, Turkey.
Ayon sa PNP-AVSEGROUP, hinarang ng mga tauhan ng Bureau of immigration (BI) ang pasahero matapos mapag-alaman na higit 10 taon nang nagtatago sa batas ang naturang akusado.
Na-verify din na siya ay subject ng isang warrant of arrest noong 2014 dahil sa kasong pagnanakaw.
Samantala, kasalukuyan nang nasa ilalim siya ng Pasay City Police Station para sa tamang dokumentasyon at legal na proseso.
Facebook Comments









