Pasaherong senior citizen mula Dubai, inaresto ng mga awtoridad pagdating sa NAIA

Inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police – Aviation Security Group (PNP-AVSEGROUP) ang isang 62-year old na lalaking pasahero pagdating nito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 mula Abu Dhabi.

Ang pagkakaaresto sa suspek ay kasunod ng kumpirmasyon na mayroon pa itong active warrant of arrest laban sa kanya para sa kasong paglabag sa Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 (RA 9262).

Naisagawa ang operasyon matapos ang koordinasyon ng PNP-AVSEGROUP sa Bureau of Immigration (BI) at Barbosa Police Station 14 ng Manila Police District (MPD) kung saan naaresto ang akusado.

Samantala, nagtakda naman ang korte ng kabuuang P72,000 na piyansa para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.

Facebook Comments