Pasang Masda, pinag-aaralang maghain ng fare hike petition

Pinag-aaralan ng ilang transport group na maghain ng fare hike petition dahil sa sunod-sunod na namang taas-presyo sa petrolyo.

Sa interview ng DZXL News, sinabi ni Pasang Masda President Obet Martin na hihirit sila ng piso hanggang dalawang pisong taas-pasahe.

Pero aniya, isasapinal pa nila ito sa gagawing pulong sa susunod na linggo lalo’t ikinokonsidera rin nila ang kapakanan ng mga pasahero.


Sakali namang hindi pagbigyan, umapela ang grupo sa pamahalaan na magbigay na lamang ng subsidiya.

Hiniling din ng grupo na itaas ang fuel subsidy sa ₱15,000 para sa modern jeepneys mula sa dating ₱10,000 habang ₱9,000 naman para sa mga traditional jeepney mula sa ipinagkaloob noon na ₱6,500.

Facebook Comments