Pasang Masda, umapela ng pang-unawa sa LTFRB at mga pasahero sa hiling na “surge fee”

Umaasa ang grupong Pasang Masda na mauunawaan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at ng mga pasahero ang hirit nilang ‘surge fee’ sa gitna ng patuloy na pagsipa ng presyo ng langis.

Kahapon, pormal nang humiling ang Pasang Masda kasama ang ALTODAP, at ACTO ng pisong dagdag-pasahe sa jeep at dalawang piso sa bus tuwing rush hour.

Ayon sa presidente ng grupo na si Ka Obet Martin, pansamantala lamang naman ang taas-pasahe habang mataas ang presyo ng petrolyo.


Tiniyak din niya na awtomatikong aalisin ang dagdag-pasahe oras na lumampas na sa rush hour na 5 a.m. hanggang 8 a.m. at 5 p.m. hanggang 8 p.m.

Ayon kay Martin, nasa P200 hanggang P300 ang nawawala ngayon sa kita ng mga tsuper kada araw dahil sa serye ng bigtime oil price hike.

Facebook Comments