PASANING DULOT NG ROAD PROJECTS SA DAGUPAN CITY, RAMDAM NA RAMDAM UMANO NG PUBLIKO

Hindi maikakaila umano ng mga Dagupenos ang abala na naidudulot ng kasalukuyang konstruksyon ng mga road projects na pagpapataas ng kalsadahan sa lungsod ng Dagupan lalo na at ilang mga pangunahing kakalsadahan ay may ongoing nang proyekto.
Nagpapatuloy ang proyekto sa kahabaan ng Arellano St. AB Fernandez Ave. at Perez Blvd.
Makailang beses na ring nagpahayag ang mga Dagupeño ng kanilang opinyon kaugnay sa nararanasang epekto nito partikular ang bigat sa daloy ng trapiko. Bunsod kasi nito ang makitid na daanan, dagdag pa ang mga napansing nagsulputang mas maraming sasakyan sa lungsod.

Samantala, muling humingi ng paumanhin at paalala ang lokal na pamahalaan ng Dagupan sa abalang dulot ng nasabing proyekto sa publiko. Pinakiusapan din umano ang mga kontraktor ng nasabing proyekto na kung maaari ay agaran ang pagtapos sa mga konstruksyon ng mga ito. |ifmnews
Facebook Comments