Pasaporte ni Alice Guo, walang immigration stamp —BI

Muling iginiit ng Bureau of Immigration (BI) na hindi dumaan sa proseso o walang Philippine Immigration Stamp ang pasaporte ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ito ang resulta ng ginawang pagsusuri ng BI matapos mapabalik sa bansa ang dating alkalde.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, ang pasaporte ni Guo ay naibigay sa kaniya noong September 4, 2020 sa Angeles at hanggang 2030 ang validation nito.


Pero, base sa pagre-review ng BI, halos kapareho lamang sila ng sinasabing kapatid ni Guo na si Shiela na may mga stamp ng kani-kanilang biyahe sa ibang bansa.

Paliwanag ni Tansingco, lumalabas din sa resulta ng imbestigasyon na iligal na umalis ng bansa ang mga ito.

Facebook Comments