Manila, Philippines – Isang daang traffic violators ang nahuli sa isang araw na operasyon ng Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) at ng Land Transportation Franchising and regulatory Board (LTFRB).
Ito na ang pinakamataas na bilang ng mga nahuli ng I-ACT sa isang araw na operasyon na kanilang isinagawa sa Parañaque at Pasay City.
Kabilang sa mga nahuling violators ay 57 smoke-belching na sasakyan kung saan in-impound ng LTFRB ang walong colorum vehicles kabilang ang pag-aari ng dalawang pulis.
Hindi naman tinukoy ng LTFRB ang pagkakakilanlan ng dalawang pulis pero ang isa ay may ranggong chief inspector habang ang isa pa ay Senior Police Officer 4.
Pawang heavily tinted pa ang van na gamit ng dalawang pulis na inilalabas bilang pampasaherong sasakyan.