PASAWAY | 105 indibidwal, arestado sa magkakahiwalay na operasyon ng MPD

Manila, Philippines – Base sa pinakahuling impormasyon mula sa Manila Police District (MPD), tinatayang nasa 105 indibidwal ang kanilang naaresto sa magkakahiwalay na operasyon sa nakalipas na magdamag.

Sa bilang na ito, 32 dito ang naaresto dahil sa iligal na droga, 1 ang dahil sa pagnanakaw, 6 ang nahainan ng warrant of arrest, 57 ang lumabag sa city ordinance, 1 physical injury, 3 illegal gambling at 5 iba pa.

Sa magkakahiwalay na operasyong ito, na-recover ang 37 plastic sachet ng hinihinalang shabu, 1 plastic sachet ng marijuana, 1 improvised shotgun, 1 cal. 38 na baril, at iba’t ibang mga bala.
Inihahanda na ang mga kaukulang kaso na isasampa sa mga nahuling suspects.


Facebook Comments