Manila, Philippines – Dinampot ang nasa 14 na indibidwal na nahuling naninigarilyo sa mga pampublikong lugar sa Lungsod ng Maynila.
Walong lalaki ang hinuli sa Sta. Cruz habang nagsasagawa ng anti-criminality campaign habang anim naman nasakote sa bahagi ng Quezon Boulevard.
Nakaditine sa MPD Station 3 ang mga naaresto habang inaasikaso ang kanilang release form.
Muling paalala ng mga awtoridad, mahigpit na ipinagbabawal ang paninigarilyo sa pampublikong lugar.
Facebook Comments