PASAWAY | 145 katao huli sa ibat-ibang paglabag sa mga ordinansa sa Maynila

Manila, Philippines – Ipinagmalaki ni Manila Police District District Director Police Chief Superintendent Rolando B. Aanduyan na pumalo na sa 145 personsonalidad na naaresto sa ibat-ibang paglabag sa mga ordinansa sa Maynila.

Ayon kay Anduyan seryoso ang MPD sa kanilang kampanya kontra kriminalidad sa lungsod kaya lahat ng mga lumalabag sa mga ordinances ay kanilang inaaresto gaya ng mga paglabag sa smoking ban, nakahubad sa public places; drinking in public places at iba pang mga paglabag sa mga ordinansa sa Maynila.

Tiniyak ni Chief Superintendent Anduyan na pinaigting ng MPD ang kanilang anti- criminality operations upang maging kaaya-ayang manirahan at ligtas ang mga mamamayan sa lungsod ng Maynila.


Facebook Comments