PASAWAY | 208 na indibidwal, naaresto ng MPD sa nakalipas na magdamag

Manila, Philippines – Nasa 208 indibidwal ang naaresto ng Manila Police District (MPD) sa nakalipas na magdamag.

Base sa tala ng MPD, 57 sa mga ito ay inaresto dahil sa iligal na droga, 10 dahil sa pagsusugal, 2 dahil sa murder o homicide, 6 sa pagnanakaw, 1 ang nahainan ng warrant of arrest, 1 physical injury at 120 ay dahil sa paglabag sa city ordinance.

Sa magkakahiwalay na operasyo ng MPD, nasa 33 plastic sachet ng hinihinalang shabu, anim na plastic sachet ng marijuana, 4 na revolver, 1 improvised shot gun o sumpak at bet money na higit 2 libong piso ang kanilang nakumpiska.


Hinahainan na ng mga kaukulang kaso ang mga nahuling indibidwal.

Facebook Comments