PASAWAY! | 310, naaresto sa buong magdamag dahil sa paglabag sa city ordinance

Nasa 310 mga indibidwal ang nadakip ng Southern Police District (SPD) sa nakalipas na magdamag dahil sa paglabag sa iba’t ibang ordinansa.

Sa datos ng SPD, 60 dito ay dinakip dahil sa pag-iinuman sa pampublikong lugar.

61 ang lumabag sa smoking ban, 21 ang walang damit pang-itaas, 166 ang kabataang lumabag sa curfew at 2 naman ang nahuling umiihi sa pampublikong lugar.


Mula sa 310 ito, lima ang sinampahan na ng kaso dahil sa paulit- ulit na paglabag, habang 99 naman ang pinagpiyansa.

Binigyan naman ng warning ang 206 na mga first time offenders.

Facebook Comments