PASAWAY | 7 kolorum na sasakyan, huli sa operasyon ng I-ACT sa Sta. Rosa, Laguna

Laguna – Nahuli sa isinagawang operasyon ng Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) sa Sta. Rosa, Laguna ang labingpitong kolorum na sasakyan.

Ang labing –pitong sasakyan ay naharang dahil sa pamamasada ng mga ito nang walang prangkisa.

Ilan sa mga nahuli ay pawang mga van na ang plaka ay pang-pribadong sasakyan at walang kaukulang permit o prangkisa para pumasada.


Ii-impound ang lahat ng mga kolorum na sasakyang nahuli kung saan tiniyak naman ng Department of Transportation (DOTr) na magtutuloy-tuloy ang operasyon ng I-ACT laban sa mga kolorum na sasakyan.

Facebook Comments