Manila, Philippines – Umabot na sa 78,000 tao ang inaresto sa Metro Manila mula nang paigtingin ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang pagpapatupad ng mga lokal na ordinansa.
Ayon kay NCRPO Director, Chief Superintendent Guillermo Eleazar, mula sa 78,359 na nasakote, 17 lang ang nananatili sa detention facility.
Karamihan aniya sa mga dinakip ay lumabag sa nationwide smoking ban o paninigarilyo sa pampublikong lugar na may 35.7%.
Kasunod nito ang mga menor de edad na naaresto dahil sa paglabag sa curfew na nasa 26.7%.
Ilan pa sa mga paglabag ay ang pag-inom sa pampublikong lugar at walang suot na pang-itaas na damit.
Facebook Comments