PASAWAY | Apat, huli sa pagsusugal sa Laoag City

Laoag City – Kalaboso ang apat na tao matapos mahuling nagsusugal sa Laoag City.

Mismong sa kalsada pa naglalaro ng baraha ang mga suspek na sina Dave Albert Nicolas, Marlon Bartolome, Marlon Andres at Lovella Jilo.

Nakumpiska sa kanila ang perang P679.00 na pusta, 4 na mono block chairs, isang lamesa, belt bag na may lamang pera na nagkakahalaga ng P120,000.00, dalawang cellphone at iba’t-ibang ID’s.


Depensa ng mga suspek na nagpapalipas lamang sila ng oras matapos ang trabaho pero hindi ito umubra sa mga otoridad.

Facebook Comments