PASAWAY | Bilang ng mga lumabag sa election gun ban, umakyat na sa higit 1,000

Manila, Philippines – Umakyat na sa isang libo isang daan at limangput pitong indibidwal ang naaresto ng Philippine National Police (PNP) dahil sa paglabag sa umiiral na gun ban.

Sa rekord ng PNP, karamihan sa mga lumabag ay mga sibilyan kabilang ang anim na pulis at anim na sundalo.

Kabuuang 996 na mga baril naman ang kanilang narekober mula sa mga naaresto habang 7,000 mga patalim at iba pang nakakamatay na bagay ang kanilang nakumpiska.


Naaresto ang mga gun ban violator at nakumpiska ang mga baril at patalim sa iba’t-ibang operasyon katulad ng checkpoint at pagsalakay ng PNP.

Ang gun ban ay nagsimula noong April 14 na magtatagal hanggang June 14 kaugnay ng gaganaping Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa May 14, 2018.

Facebook Comments