PASAWAY | Bilang ng mga lumabag sa local ordinances sa Metro Manila, umakyat pa sa halos 178,000

Pumalo na sa 177,929 ang naitalang lumabag sa local ordinances sa Metro Manila.

Ayon kay NCRPO Chief Police Director Guillermo Eleazar, ang nasabing datos ay mula noong June 13, 2018 hanggang alas-5:00 ng umaga ng August 26, 2018.

Batay sa datos ng NCRPO, nasa 11,750 ang drinking in public places


Smoking ban – 63,093

Half naked – 17,130

Minors violating curfew hours – 16,871.

Habang ang mga lumabag sa iba pang mga ordinances ay nasa 69,085.

Sabi ni Eleazar, sa nasabing bilang na mga violators 122,344 ang binigyan ng warning ng PNP habang ang mga pinagmulta ay nasa 19,917.

Facebook Comments