PASAWAY | Bilang ng mga naaresto dahil sa paglabag sa city ordinances sa Metro Manila, pumalo na sa 30,000

Manila, Philippines – Mahigit 30,000 indibidwal na ang naaresto ng National Capital Region Police Office (NCRPO) dahil sa paglabag sa city ordinance sa Metro Manila simula June 13 hanggang kahapon.

Ayon kay NCRPO Director Police Chief Superintendent Guillermo Eleazar, pinakamarami ang mga nahuli dahil sa paninigarilyo sa pampublikong lugar sa bilang na 9,751.

Sinundan aniya ito ng curfew sa bilang na 5,404 habang ang half-naked ay 4,701 at ang mga nag-iinum sa pampublikong lugar ay umabot sa 4,397.


Sabi ni Eleazar, pinakamaraming naaresto ay sa bahagi ng eastern police district, SPD at QCPD.

Umaasa naman ang NCRPO na sa tulong nito ay malaki ang magiging epekto para mabawasan ang naitatalang krimen sa lansangan.

Facebook Comments