Manila, Philippines – Umabot sa higit 500 tao ang naaresto ng PNP dahil sa paglabag sa nationwide gun ban kasabay ng nalalapit na Barangay at SK Elections.
Ayon kay PNP Spokesman, Chief Superintendent John Bulalacao, mula sa 546 na kanilang naaresto, lima rito ay pulis, tatlong sundalo at sampung government o elected officials.
Sumatutal, aabot sa 403 firearms ang kanilang nakumpiska habang nasa higit 2,000 gun replicas, bladed weapons at explosive device ang nasabat.
Paglilinaw ni Bulalacao, ang mga pulis, sundalo maging ang mga security guard ay dapat naka-on duty at naka-proper uniform para ma-exempt sa pagkakaaresto.
Ang mga naaresto ay kakasuhan ng paglabag sa gun ban at illegal possession of firearms o deadly weapons o explosive materials habang kasong administratibo ang ipapataw sa mga pulis, sundalo at kawani ng gobyerno.