Halos 300,000 indibidwal na ang naaresto bunsod ng paglabag sa iba’t-ibang local ordinance sa Metro Manila mula June 13 hanggang September 24, 2018.
Sa datos ng National Capital Region Police Office (NCRPO), pinakamaraming nahuli sa Quezon City na may 156,017 na violators.
Sumunod dito ang Eastern Police District (EPD) na may 66,500 na violators at sa lungsod ng Maynila ay mayroong 29,200 violators.
Mula sa kabuuang bilang 97,685 ang nahuling naninigarilyo sa pampublikong lugar habang 22,407 ang walang damit pang-itaas.
Umabot naman sa 21,299 na kabataan ang nahuling sa curfew hour, 15,140 ang umiinom sa pampublikong lugar at 134,576 ang lumabag sa iba pang city ordinance.
Nasa 205,004 o 70 percent sa mga dinakip ay binigyang-babala ng pulisya, 52,823 ang pinagpiyansa, 15,140 ang kinasuhan at 32 naman ang nananatili sa kustodiya ng pulisya.