Manila, Philippines – Natuklasan ng Land Transportation Office (LTO) na “rebuilt” lang ang bus ng Dimple Star na nasangkot sa malagim na aksidente sa Occidental Mindoro.
Sa imbestigasyon NG LTO, lumabas na unang nirehistro ang bus noong 2009 pero hindi nakalagay kung ano ang year model.
Bukod dito, nalaman din nila na ang makina ng modelo ng bus ay noong dekada 90 pa ibig sabihin, rebuilt lang o binuo mula sa mga gamit ang ilang bahagi ng bus.
Dahil rebuilt, nahirapan ang LTO na matiyak kung ilang taon na talaga ang sasakyan pero kung noong 1990s pa ang modelo nito, nangangahulugang halos 30 years na itong ginagamit bilang pampasaherong bus at dapat ay pasok na sa phase-out.
Labinlimang taon lang dapat tumatakbo sa lansangan ang pampasaherong bus.