Manila, Philippines* – *Halos 300 low-ranked policemen ay illegal drug users.
Sa report ng PNP-Internal Affairs Service (PNP-IAS), mula July 2016 hanggang December 2017, nasa 283 na pulis ang natukoy na gumagamit ng iligal na droga.
Sa nasabing bilang – 119 na pulis ay may ranggong PO1; 68 ay PO2; habang 57 ay PO3.
23 Senior Police Officer 1 (SPO1), sampung SPO2, at dalawang SPO3 ay nadiskubre ring gumagamit ng droga.
Nadiskubre rin na mayroong dalawang inspector, isang chief inspector at isang police superintendent ay natukoy din bilang narco-cops.
Walong non-uniformed personnel ay nagpositibo sa paggamit ng droga.
Inirekomenda na ng PNP ang dismissal ng 221 narco-cops habang ang mga natitira ay patuloy na iniimbestigahan.
Facebook Comments