Aabot sa halos 300 mga suspek ang naaresto ng Southern Police District (SPD) sa magkakasunod na operasyon.
Pinakamarami sa bilang ay may kaugnayan sa paglabag sa city ordinance tulad ng pag-inom sa pampublikong lugar o hindi pagsusuot ng damit pang-itaas.
Pangalawa sa pinakamataas na bilang ay mga inaresto dahil sa iligal na droga kung saan nakumpiska sa 52 nadakip ang higit sa P100,000,00 na shabu.
32 naman ang inaresto dahil sa pagsusugal habang siyam ang insidente ng pagnanakaw, dalawa ang homicide at apat na physical injury.
Siniguro naman ng SPD na mas lalo pa nilang paiigting ang police visibility tulad ng pag-papatrolya ng pulisya para mabawasan ang kriminalidad sa kanilang nasasakupan.
Facebook Comments