Pumalo na sa 35,980 mga indibidwal ang lumabag sa ibat-ibang ordinansa ng lungsod ang naitala ng National Capital Region Police Office (NCRPO).
Kabilang na dito ang nag-iinom sa mga pampublikong lugar, naninigarilyo sa hindi designated areas at paglabas ng mga kalalakihan nang walang damit pang itaas.
Ito ay kasunod narin ng ginagawang pagpapaigting ng kapulisan sa pag-aresto sa mga lumalabag sa city ordinance.
Sa datos ng NCRPO mula Hunyo a-13 hanggang July 7 nasa
Drinking in public places
Total: 4,783
Smoking ban
Total: 11,402
Half naked
Total: 5,463
Minors violating curfew hours
Total: 5,883
Other ordinances
Total: 8,453
Grand total: 35,980
Sa nasabing bilang 3,625 ang mula sa NPD, 16,040- EPD, 4,410- MPD, 7.041- SPD at 4,864- QCPD.
Pero ayon kay NCRPO Chief Director General Guillermo Eleazar bumaba na ang bilang mga nakakulong.
Ito ay dahil mula sa 35,980 na mga tambay lumabag sa ibat ibang ordinansa 20, 853 dito ang pinagsabihan lang ng mga otoridad, 10,498 ang nagmulta habang nasa 4,629 naman ang tuluyan nang kinasuhan.
Sa ngayon 14 ang hawak ng SPD habang 3 naman ang nasa kustodiya ng QCPD.