Manila, Philippines – Halos 23,000 indibidwal ang mga lumabag sa mga ordinansa ng mga lungsod sa Metro Manila.
Ayon kay National Capital Region Police Office o NCRPO Director Chief Superintendent Guillermo Eleazar, ito ay batay sa kanilang datus mula June 13 to 30.
Aniya, pinakamarami ang lumabag sa no smoking na nasa anim na libo habang halos 4,000 na menor de edad ang lumabag sa curfew.
Pinakamarami aniyang nahuli ang Eastern Police District (EPD) na umabot sa siyam na libo.
Sabi ni Eleazar, sa 23,000 na mga lumabag, mahagit kalahati nito ang binigyan lang ng babala habang pinagmulta ang iba.
Facebook Comments