PASAWAY | I-ACT, nakapagkolekta ng higit 300 milyong piso kasunod ng maigting na kampanya laban sa mga kolorum

Manila, Philippines – Nakapagkolekta ang Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) ng 305 million pesos na halaga ng multa kasunod ng pinaigting na kampanya laban sa mga kolorum na pampublikong sasakyan.

Ayon kay I-ACT Chief at Transportation Undersecretary for Roads and Infrastructure Thomas Orbos, nasa 2,470 o 41.4% ng mga colorum PUVs ang nahuli sa ilalim ng ‘Task Force Kamao’.

Ani Orbos, ang pagtaas ng bilang ng mga nahuhuling kolorum na sasakyan ay kasunod na rin ng kooperasyon ng publiko.


Sa ilalim ng joint administrative order na inisyu ng LTO at LTFRB, ang mga operator ng kolorum na bus ay papatawan ng multa na isang milyong piso sa first offense, 200,000 pesos sa mga trucks at vans, 120,000 pesos sa mga sedan, 50,000 pesos sa mga jeepney at 60,000 pesos sa mga motorsiklo.

Ang I-ACT ay pinagsanib pwersa ng MMDA, LTO, LTFRB at PNP Highway Patrol Group (HPG).

Facebook Comments