Manila, Philippines – Pumalo na sa 277 na personalidad ang pinagdadampot ng mga tauhan Manila Police District (MPD) sa ilalim ng liderato ni Police Chief Superintendent Rolando Anduyan dahil sa ibat-ibang mga paglabag sa umiiral na ordinansa sa Maynila.
Ayon kay MPD Spokesman Superintendent Carlo Manuel simula kahapon ng 5:00 A.M ng October 8, 2018 hanggang kaninang alas 5:00 A.M October 9, 2018 ay umakyat na sa 277 ang mga naaresto ang pinakamarami sa sa Tondo Maynila sakop ng Raxabago Police Station Police Station na umaabot sa 66 dahil sa mga paglabag sa smoking ban, half-naked in public places, minors violating curfew hours at iba pang mga paglabag sa mga ordinansa habang 12 lamang katao ang dinampot ng mga tauhan ng Malate Police Station Police Station 9 dahil sa paninigarilyo sa pampublikong lugar.
Paliwanag ni Superintendent Manuel seryoso ang MPD sa kanilang kampanya kontra sa lahat ng uri ng kriminalidad lalung-lalo na mga paglabag sa pinaiiral na ordinansa sa lungsod.
Hinimok din ng opisyal ang publiko na makipagtulungan sa pulisya at isumbong ang kanilang mga nalalaman kung mayroon silang nakikita na mga kahina-hinalang kilos o bagay sa kanilang lugar upang agad mabigyan ng agarang aksyon ng pulisya.