Manila, Philippines – Umaabot sa 320 na katao ang dinampot ng Manila Police District (MPD) dahil sa paglabag sa iba’t-ibang ordinances ng lungsod ng Maynila.
Ayon Kay MPD District Director Chief Superintendent Rolando Anduyan, dinakip ang mga naturang individual sa pamamagitan ng anti -criminality campaign mula alas 5 ng umaga kahapon hanggang alas singko kaninang umaga.
Kabilang sa mga nilabag na kautusan ay pag-inom ng alak sa pampublikong lugar, paglalakad na walang suot na damit na pang-itaas, paninigarilyo sa pampublikong lugar at iba pa.
Paliwanag ni Anduyan sa bilang na ito 55 ang hinuli sa pag-inom ng alak, 120 ang paninigarilyo sa kalye, 99 ang walang suot na pang-itaas at 39 sa iba pang ordinansa.
Paalala ni Anduyan sa mga Manilenyo, sumunod sa mga kautusan at batas dahil malaking istorbo kapag naaaresto.