PASAWAY | Mahigit 300, pinagdadampot dahil sa paglabag sa ibat-ibang ordinansa

Umakyat na sa 349 na mga personalidad kabilang ang mga menor de edad ang pinagdadampot ng Manila Police District (MPD) dahil sa ibat-ibang mga paglabag kabilang ang umiinum sa pampublikong lugar, paninigarilyo, nakahubad pang itaas at iba pang mga paglabag sa mga ordinansa sa lungsod ng Maynila.

Ayon kay MPD Spokesman Superintendent Carlo Manuel, ang pinakamaraming naaresto sa ibat-ibang mga paglabag ay ang Moriones Police Station 2 na umaabot sa 73 habang ang pinakababa bilang na naaresto ay sakop ng Station 8 na umaabot lamang ng pitong katao dahil sa paglabag sa smoking ban o paninigarilyo.

Paliwanag ni Manuel tuloy-tuloy ang kanilang anti-criminality campaign sa lungsod upang matiyak na ligtas ang mga Manileño na gumagala-gala sa Maynila.


Hinimok naman ng opisyal ang publiko na makipagtulungan sa pulisya at isumbong ang kanilang mga nalalaman kung mayroong kahina-hinalang pagkilos sa kanilang lugar kung saan tinitiyak ng MPD na agad nila itong aaksyunan.

Facebook Comments