Manila, Philippines – Mahigit 40 tao mula sa anim na barangay na sakop ng QCPD Station-6 ang dinala sa presinto matapos lumabag sa iba’t- ibang city ordinance.
Karamihan sa mga ito ay nahuling umiinom at naninigarilyo sa pampublikong lugar at naglalakad sa kalsada nang walang damit pang-itaas.
Nasagip din ang mga menor de edad na pagala-gala pa rin kahit may curfew na ipinatutupad.
Pinagmulta ng P500 hanggang P3,000 ang mga nahuli, depende kung 1st , 2nd o 3rd offense.
Nabatid na karamihan sa mga nahuhuli ay first-time offenders kaya at inire-record nila ito at pinagmumulta kung saan dito lang sila papayagan umuwi habang ang mga menor de edad ay pinasusundo sa mga magulang at sumasailalim sa counselling.
Facebook Comments