PASAWAY | Mahigit 400, dinampot ng MPD dahil sa paglabag sa ibat-ibang ordinansa sa Maynila

Manila, Philippines – Pumalo na sa 449 na katao ang dinampot ng Manila Police District (MPD) sa isinagawang operasyon sa nakalipas na 24-oras o mula kahapon ng alas-5 ng umaga hanggang alas-5 ng umaga ngayong Hulyo 10.

Kaugnay ito sa Simultaneous Anti Criminality and Law Enforcement Operation (SACLEO) na pinaiiral ngayon ng Philippine National Police (PNP) sa buong bansa.

Kabilang sa mga kautusan na nilabag ng mga inaresto ay ang pag-inom sa pampublikong lugar, paglalakad o pagtambay sa mga kalye nang walang pang-itaas na kasuotan, paglabag sa smoking ban at paglabag sa curfew hours.


Tinitiyak naman ni MPD District Director Police Chief Superintendent Rolando B. Anduyan na tuluy-tuloy ang Anti-Criminality Operations ng pulisya upang maibalik ang kaayusan at maiparamdam sa mga mamamayan ang kaligtasan at seguridad sa Lungsod ng Maynila.

Facebook Comments