PASAWAY | Mahigit 400 indibidwal, hinuli ng EPD dahil sa paglabag sa iba’t-ibang ordinansa

Umabot sa 438 ang pinaghuhuli sa Eastern Metro Manila dahil sa pagtambay sa kalsada at paglabag sa iba’t-ibang ordinansa.

Sa tala ng Eastern Police District (EPD), 264 ang nahuli sa Pasig City na ang karamihan ay naninigarilyo sa pampublikong lugar, nakahubad at nakikipaginuman sa daan.

15 naman ang nahuli sa San Juan dahil sa paglabag sa batas trapiko at hindi pagsusuot ng damit pangitaas habang sa Marikina, 83 ang dinampot na karamihan ay umiihi sa kalsada.


76 naman ang nahuli sa Mandaluyong dahil sa paglabag sa batas trapiko, pag-iinuman sa kalsada at paglabag sa curfew.

Nabatid na mas lalong pinaigting ang kampanya laban sa paglabag sa iba’t-ibang ordinansa upang linisin ang kalsada sa mga tambay para maiwasan ang krimen at mapanatili ang kaayusan.

Facebook Comments