PASAWAY | Mahigit 600, inaresto ng EPD

Marikina City – Umakyat na sa 608 katao ang pinagdadampot ng mga operatiba ng Eastern Police District (EPD) dahil sa paglabag sa iba’t-ibang ordinansa sa mga lungsod na nasasakupan ng EPD.

Ayon kay EPD District Director Chief Superintendent Bernabe Balba sa apat na lungsod na nasasakupan ng EPD ang Marikina, San Juan, Pasig at Mandaluyong ay umaabot na sa 33 katao o katumbas ng 5.43 percent ang nahulihan na umiinom sa mga pampublikong lugar 142 katao o 23.36% ang naaktuhang naninigarilyo, 13 personalidad o 2.14% ang nahulihang walang suot na damit pang itaas habang 8 mga kabataan o katumbas ng 1.32% ang mga nahuling menor de edad na lumalabag sa curfew hours at ang ibang mga ordinances ay umaabot sa 412 katao o katumabas ng 67.76%.

Paliwanag ni Balba kung ang pagbabasehan sa bawat mga station sa Pasig ay naka-aresto ng 256 o katumbas ng 42.11%, Mandaluyong 242 o 39.80%, Marikina city ay 85 o katumbas ng 13.98% habang sa San Juan city ay umaabot lamang sa 25 katao ang naaresto o katumbas ng 4.11%


Umapela ang heneral sa mga residente sa apat na mga lungsod na sundin ang ipinaiiral na mga ordinansa upang maiwasan ang anumang kaguluhan.

Facebook Comments