Manila, Philippines – Pumalo na sa 688 katao ang inaresto ng Manila Police District (MPD) matapos na lumabag sa mga city ordinance sa lungsod ng Maynila.
Sabay-sabay na nagsagawa ng oplan sita ang labing isang pulis station ng MPD sa kanilang mga nasasakupan kung saan nasa 688 katao na ang pinagdadampot ng pulisya matapos lumabag sa mga city ordinance ng lungsod.
Ayon kay MPD Spokesman Police Superintendent Erwin Margarejo ang karamihan sa mga pinagdadampot ay mga nag- iinuman sa mga pampublikong lugar, naninigarilyo, nakahubad sa pampulikong lugar, curfew at iba pang mga paglabag sa mga city ordinance.
Paliwanag ni Margarejo lahat ng mga naaresto ay agad ding pinauwi matapos ang isinagawang imbestigasyon at binigyan ng babala na kung sakaling maaresto muli ay papatawan na ng kaukulan ng kaso o multa habang ang mga batang naaresto naman sa paglabag sa curfew ay ipinatawag ang kanilang mga magulang kung saan ay binigyan ng seminar ng mga tauhan ng DSWD.