Manila, Philippines – Umabot sa 156 na public at private vehicles ang nasita at hinuli ng Inter Agency Council for Traffic (I-ACT) ng Department of Transportation (DOT) sa iba’t-ibang lugar sa Metro Manila at kalapit lalawigan base sa pinakahuling operasyon nito.
Ito na ang pinakamaraming naitalang huli ng I-ACT sa kanilang Anti-Colorum And Road Worthiness Operations sa loob lang ng isang araw.
Ang mga sasakyang ito ay nasita sa bahagi ng Pan-Philippine Hi-Way malapit sa SM North Edsa, Masinag sa Antipolo, Rizal, gayundin sa Santolan at kahabaan ng 2nd at 4th Avenues sa Camp Crame, Cubao, sa Quezon City.
Bukod dito may 50 behikulo din ang inisyuhan ng tickets dahil sa depektibong parts at iba pang paglabag habang ang 88 iba pa ay in-impound dahil sa out-of-line operations at illegal parking.
Ang 18 public and private vehicles ay inisyuhan din ng subpoena orders dahil naman sa smoke belching.
Tiniyak ng DOTr na magtuloy tuloy pa ang kanilang Anti Colorum at Road Worthiness Operations para na rin sa kapakanan ng riding public.