PASAWAY | Mahigit isang daang indibidwal, naaresto ng MPD sa buong magdamag sa Maynila

Manila, Philippines – Tuloy-tuloy ang ginagawang pagpigil ng Manila Police District (MPD) sa mga masasamang loob sa kanilang nasasakupan.

Base sa inilabas na report ni MPD Spokesman Superintendent Erwin Margarejo papalo sa mahigit isang daang katao ang kanilang naaresto sa buong magdamag.

Ayon kay Margarejo labing pitong katao ang naaresto dahil sa illegal na droga, 24 sa illegal gambling, 3 dahil sa physical onjury, 5 dahil sa robbery and theft, 50 dahil sa city ordinances violations, 5 naman dito ang pawang may mga warrant of arrest.


Dagdag pa ni Margarejo, 3 ang naitalang insidente ng physical injury, isa ang rape, 1 robbery at isang theft.

Paliwanag rin ng opisyal na nakakumpiska sila ng 3 sachet ng hinihinalang shabu dalawang sumpak at pera mula sa ilegal na sugal na nagkakahalaga ng halos apat na libong piso.

Facebook Comments