PASAWAY | Mahigit sa 10,000 motorista, huli sa paglabag sa yellow lane policy ng MMDA

Manila, Philippines – Mahigpit paring ipinatutupad ng MMDA ang yellow lane policy sa kahabaan ng EDSA.

Sa katunayan tuloy-tuloy parin ang ginagawang panghuhuli ng kanilang mga tauhan mapa-field man o yung tinatawag na no contact apprehension policy.

Sa pinaka huling datos ng MMDA, simula Nov. 20 hanggang Dec. 5 umaabot na sa 7843 na mga pribadong motorista ang nahuli dahil sa paglabag sa yellow lane policy habang 3106 naman sa panig ng mga bus.


P500 ang multa kapag lumabag sa nasabing polisiya.

Samantala, sa mga motor rider na hindi parin sumusunod at gumaganit ng motorcycle lane mahigit 1000 na ang nasasampolan o 1106 to be exact.

P500 din ang multa sa mga pasaway na motor riders.

Kaya payo ng MMDA sundin ang mga batas trapiko upang iwas penalty.

Layon lamang anila nito na mapaluwag kahit papano ang napaka bigat na daloy ng trapiko sa kahabaan ng EDSA.

Facebook Comments