Manila, Philippines – Matapos i-anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan na arestuhin ang mga tambay.
Umaabot na sa mahigit 7,000 tambay ang naaresto ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO).
Pinakamaraming hinuling tambay ay sa bahagi ng eastern part ng Metro Manila na sakop ang mga lungsod ng San Juan, Pasig, Mandaluyong at Marikina na umaabot na sa 2,237 na sinundan naman ng Southern Metro Manila na kinabibilangan ng Makati, Pasay, Las Piñas at Parañaque at nakapagtala ng 2,046 na huling mga tambay.
Pumangatlo ang lungsod ng Quezon na sinundan ng Maynila at Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela.
Ang mga inarestong tambay ay pawang lumabag sa ordinansa ng lungsod tulad ng paghuhubad sa lansangan, paninigarilyo sa hindi tamang lugar at pag-inom ng alak sa pampublikong lugar.
Ang nasabing datos ay magmula nuong alas sinco ng madaling araw ng June 13 hanggang kaninang alas sinco ng madaling araw.