Manila, Philippines – Inihayag ngayon ni MPD Spokesman Superintendent Erwin Margarejo na isang kaso ng pagpatay, tatlong kaso ng robbery at tatlong kaso ng pagnanakaw ang naitala ng Manila Police District (MPD) sa nakalipas na 24 oras.
Ayon kay Margarejo, sa kaparehong panahon ay nakapagtala ang MPD ng 79 na mga taong inaresto dahil sa mga krimen at mga paglabag, 22 ang naaresto sa iligal na droga, 4 sa illegal gambling, 40 ang mga lumabag sa ordinansa ng lungsod ng Maynila, 3 ang nadakip dahil sa warrant of arrest at 3 iba pang krimen.
Batay sa ulat ni Superintendent Margarejo, nakarekober din ang mga pulis ng mga ibedensiya tulad ng 32-piraso ng mga plastic sachet na naglalaman ng shabu, 1-piraso ng sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana, 3-piraso ng glass tube na ginagamit sa paghithit ng marijuana.
Aabot naman sa mahigit 600 piso ang nakumpiska ng mga otoridad mula sa iligal na sugal.