Mahigit sa dalawang libong violators na ang nahuli ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kaugnay ng umiiral na Anti-Distracted Driving Act.
Sa datos ng MMDA umaabot na sa 2,464 violators ng Anti-Distracted Driving Act ang nahuli mula January 1 hanggang November 30, 2018.
Gumagamit ang MMDA ng CCTV cameras sa no contact – traffic apprehension policy, sa Metrobase para kunan ng videos at larawan ang mga hinuhuling sasakyan na lumalabag sa traffic rules and regulations.
Sa ilalim ng Republic Act 10913 o ang Anti-Distracted Driving Law, mahigpit na ipinagbabawal sa mga drivers ng parehong pampubliko at pribadong sasakyan na gumamit ng mobile phones at iba pang electronic gadgets habang ang sasakyan ay tumatakbo o nakahinto pansamantala sa intersection.
Ang mga violators ay magmumulta ng P5,000 sa first offense, P10,000 sa second offense at P15,000 para sa third offense na may kasamang three-month suspension ng driver’s license.