Kasunod ng mas pinaigting na kampanya ng Inter-Agency Council for Traffic o I-ACT ng kanilang operasyon sa buong bansa.
Patuloy na tumataas ang bilang ng mga pasaway na motorista na kanilang nahuhuli.
Sa datos ng I-ACT nakapagtala sila ng 4,132 traffic violators mula January hanggang May 24.
Mas mataas ito ng 99.9% o 1,379 na mga nahuli nuong September to December 2017.
Karamihan sa kanilang nahuhuli at natitiketan ay mga sasakyang may depektibo o sirang parte, mga kolorum, illegal parking, out of line violations, bulok at mga dilapidated public utility vehicles.
Ang operasyon ng I-ACT ay hindi lamang sa Metro Manila maging sa Rizal, Cavite, Pampanga, Laguna, Boracay, Caticlan, Davao, Cebu at Pangasinan.
Facebook Comments