Manila, Philippines – Inirereklamo ng mga poll volunteers ang ilang pasaway na watcher na kinuha ng mga kandidato ngayong Brgy at SK election.
Ayon kay Romeo Oliveros, isa sa mga volunteers ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting, bagamat batid nila na normal ang pagkakaroon ng watcher ng isang kandidato, may mga pagkakataon na sumusobra na ang mga ito.
Aniya, may ilang watcher kasi na pumapasok sa mismong presinto at tumatayo sa likod ng mga botante, habang bumubuto ang mga ito.
Umaalis lang aniya ang mga pasaway na watcher, kapag sinisita na ito ng mga guro na tumatayong electoral board, ngunit dapat aniya ay alam na ng mga ito na hindi angkop ang kanilang ginagawa.
May mga watcher pa aniya na lumalapit sa kanila upang hanapin ang voting precinct ng mga botante, sinisita rin nila ito, at sinasabi na dapat ay ang mga botante mismo ang humahanap sa kanilang presinto.