Manila, Philippines – Inaaresto ng Manila Police District (MPD) ang nasa 171 indibidwal na may iba’t-ibang mga paglabag sa lungsod ng Maynila.
Ayon kay MPD Spokesman Superintendent Erwin Margarejo, kabilang sa mga naaresto ay may mga kasong robbery snatching, theft, drug, gambling, city ordinance, may mga pending na warrant of arrest at iba’t-ibang kaso.
Paliwanag ni Margarejo nakarekober ang MPD ng 42 pirasong sachets ng shabu, isang .38 caliber revolver, improvised pen gun at mga bala.
Giit ni Margarejo mahigpit ang kanilang ipinatutupad na batas at mga ordinansa lalo na ang mga naghuhubad at nag-iinuman sa mga pampublikong lugar upang maiwasan ang anumang mga nangyayaring karahasan sa lungsod.
Facebook Comments